Pagkaraang pormal na namungkulan ni Donald Trump bilang pangulo ng bansa, agarang gumawa ng bagong pahayag ang Amerika tungkol sa aksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas laban sa droga. Ipinahayag ni Sung Kim, Embahador ng Amerika sa Pilipinas, na kinakatigan ng kanyang pamahalaan ang pagbibigay-dagok ng pamahalaang Pilipino sa banta ng droga.
Ayon sa ulat ng pahayagang "Philippine Star" Miyerkules, ika-25 ng Enero, 2017, ipinahayag Martes ni Kim na mahigpit ang kooperasyon ng Amerika at Pilipinas sa aspekto ng pagbibigay-dagok sa pagpupuslit ng droga. Kinakatigan aniya ng Amerika ang aksyon ng Pilipinas laban sa droga. Kaugnay ng pakikitungo ng pamahalaan ni Trump sa isyu ng karapatang pantao at pagpatay sa labas ng batas, sinipi ni Kim ang pananalita ni Rex Tillerson, nominadong kalihim ng estado ng Amerika, na nagsasabing bago gumawa ng pagtasa sa aksyon ng Pilipinas laban sa droga, kailangan ng Amerika ang mas maraming impormasyon.
Salin: Vera