|
||||||||
|
||
Philippine President Rodrigo Duterte (L) greets Chinese businessman Huang Rulun during the inauguration of a drug abuse treatment and rehabilitation center inside the military headquarters in Fort Magsaysay, in the Nueva Ecija province, north of Manila, Philippines November 29, 2016. Romeo Ranoco, Reuters
Nobyembre 29, 2016—Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa seremonya ng pagbubukas ng isang drug rehabilitation center sa Magsaysay , Nueva Ecija, at nagpahayag siyang kahit karahapin ang pamumuna ng ilang bansang kanluranin, isasagawa niya ang pakikibaka sa droga hanggang sa pinakahuling araw ng kanyang termino bilang pangulo.
Ipinagkaloob ni Huang Rulun, isang pilantropong Tsino ang 1.4 bilyon pondo para sa pagtatatag ng nasabing sentro, pinasalamatan siya ni Pangulong Duterte. Aniya, ang mga taong katulad ni Huang ay tunay na kaibigan ng mga Pilipino.
Ipinahayag ni Huang na tumira siya noong 1980s sa Pilipinas, kaya, espesyal ang kanyang damdamin sa bansang ito, at nakahanda siyang gumawa ng ambag para sa paglutas ng isyu ng droga ng Pilipinas.
salin:Lele
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |