Idinaos noong ika-2 ng Pebrero, 2017, ang singing contest ng Dong Chorus bilang pagdiriwang sa Chinese New Year o Spring Festival ng mga Lahing Dong sa Bayan ng Sanjiang, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi sa Timog Kanluran ng Tsina.
Ang Dong Chorus ay isang paraan ng tradisyonal na pagkanta ng Lahing Dong na walang saliw ng musikal na instrumento.
Sa nasabing lokalidad, ang mga estudyante ng primary school ay sinasanay sa pagkanta ng Dong Chorus. Isang grupo ng 15 bata na nakasuot ng tradisyonal damit ng Lahing Dong ang nagtatanghal.
Salin:Lele