Bagama't pumasok na sa ika-sampung araw ang isinasagawang search operation sa mga nawawalang turistang Tsino sa aksidente ng paglubog ng barko sa Sabah, Malaysia, at maliit na ang posibilidad ng pagkaligtas sa kanila, ipinahayag ng kaukulang departamento ng Malaysia na hindi nito ititigil ang paghahanap sa mga missing tourists.
Ayon sa ulat, ang lugar na pinaghahanapan ngayon ay sumasaklaw sa karagatan ng Sabah, Miri, at Brunei. Kalahaok sa search operation ang 11 barko at 4 na eroplano.
Salin: Li Feng