|
||||||||
|
||
Idinaos Martes, Peb 7, 2017 sa Kunming ng lalawigang Yunnan ng Tsina ang mataas na pagsasanggunian ng Tsina at Myanmar hinggil sa diplomasya at depensa, para pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng lugar na panghanggahan ng dalawang bansa.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng dalawang bansa na napakahalaga ng maayos na paghawak sa isyu ng dakong hilaga ng Myanmar para sa katatagan at kapayapaan ng hanggahan ng dalawang bansa at pag-unlad ng kanilang relasyon sa hinaharap.
Umaasa ang panig Tsino na magtitimpi ang iba't ibang may kinalamang panig ng Myanmar para isakatuparan ang tigil-putukan sa dakong hilaga ng bansang ito sa lalong madaling panahon. Palagiang iginagalang ng panig Tsino ang kabuuan ng teritoryo at soberanyang Myanmar at sinusuportahan ang pagsasakatuparan ng pambansang rekonsilyasyon ng bansang ito sa mapayapang paraan.
Ipinahayag ng panig Myanmar na gagamitin nito ang mga aktuwal na hakbangin para panatilihin ang katatagan sa dakong hilaga ng bansang ito, at pasulungin ang prosesong pangkapayapaan.
Pinasalamatan din ng Myanmar ang mga tulong ng Tsina para rito at umaasa itong patuloy na patitingkarin ng Tsina ang konstruktibong papel sa prosesong pangkapayapaan ng Myanmar.
Magkasamang nangulo sa nasabing pagsasanggunian sina Liu Zhenming, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, Shao Yuanming, Deputy Chief ng Joint Staff Department ng Central Military Commission (CMC) ng Tsina, U Kyaw Tin, Ministro ng State of Foreign Affairs ng Myanmar, at Tun Tun Naung, Puno ng No.1 Special Operations Bureau ng Myanmar Armed Forces.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |