Ayon sa estadistika ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, noong 2016, nagsanay ang Ministri ng Komersyo ng Tsina ng 759 tauhan para sa iba't ibang departamento at sirkulo ng Myanmar.
Ayon kay Zhao Jin, Second Secretary ng Tanggapan ng Komersyo ng Embahada ng Tsina sa Myanmar, ang bilang ng mga tauhang sumailalim ng pagsasanay sa Ministri ng Komersyo ng Tsina sa Myanmar ay ika-4 na pinakamalaki sa Asya, at ika-8 pinakamalaki sa daigdig. Ang nilalaman ng pagsasanay ay kinabibilangan ng edukasyon, kultura, medisina, ekonomiya, kalakalan, at iba pa.