Ayon sa datos mula sa Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau ng lalawigang Yunnan ng Tsina, mahigit 20 uri ng prutas mula sa mga bansang nakapaligid sa lalawigang ito ang kuwalipikado nang pumasok sa Tsina. Kabilang dito, 22 uri ay mula sa Thailand, 8 ay mula sa Biyetnam, at 8 naman ay mula sa Myanmar.
Ayon sa estadistika ng nasabing kawanihan, noong isang taon, umabot sa 215 toneladang prutas mula sa naturang tatlong bansa ang pumasok sa Tsina, at ang mga ito ay nagkakahalaga ng 160 milyong dolyares.
Salin: Li Feng