Sinabi kamakailan ng Tianjin Entry-Exit Inspection and Quarantine Bureau, na lumalaki ang bolyum ng mga prutas mula sa Pilipinas na pumapasok sa Tsina sa pamamagitan ng trade port ng Tianjin, lunsod sa hilagang Tsina.
Ayon sa estadistika ng naturang kawanihan, nitong halos kalahating buwan, pumasok sa Tsina sa pamamagitan ng Tianjin trade port ang mahigit 4200 toneladang prutas mula sa Pilipinas, at ang bilang na ito ay lumaki ng 20% kumpara noong nagdaang Oktubre, 2016.
Noong 2012, dahil sa natuklasang mapanganib na peste, inihinto ng Tsina ang kuwalipikasyon ng 32 bahay-kalakal ng Pilipinas sa pagluluwas ng mga prutas sa Tsina. Noong katapusan ng nagdaang Oktubre ng taong ito, pagkaraan ng muling pagsusuri, 28 bahay-kalakal ng Pilipinas ang napanumbalik o idinagdag sa listahan ng pagluluwas ng mga prutas sa Tsina.
Salin: Liu Kai