|
||||||||
|
||
Nag-usap nitong Miyerkules, Pebrero 8, 2017, sina Angus Campbell, Komander ng Hukbong Panlupa ng Australia at Gatot Nurmantyo, Indonesian Military Commander. Sapul nang ideklara noong Enero 4, 2017, ng Indonesia ang pagsuspinde sa kooperasyong militar sa Australia, ito ang unang pag-uusap ng mga mataas na lider ng hukbo ng dalawang bansa.
Sa pag-uusap, isinumite ng panig Australyano sa hukbong Indonesyano ang ulat ng imbestigasyon sa insidente ng pag-insulto sa Indonesia. Kaugnay nito, ipinahayag ng Indonesia na hindi naman umasim ang relasyon nito sa Australia dulot ng nasabing insidente.
Noong Enero 4, sinuspinde ng Australia at Indonesia ang kanilang military cooperation, matapos matagpuan sa Australian army base ang ilan sa mga teaching materials na maaring gawing opensiba sa West Papua, probinsya sa eastern Indonesia. Dahil dito'y idineklara ng panig Indones ang pagsuspinde sa kooperasyong militar sa Australia.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |