|
||||||||
|
||
Itinanggi nitong Huwebes, Enero 5, 2017, ni Marise Payne, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Australia, ang pagkalap ng kanyang bansa sa mga sundalo ng Indonesia bilang "potensyal na agent."
Una rito, sinuspinde ng Australia at Indonesia ang kanilang military cooperation noong isang buwan, matapos matagpuan sa Australian army base ang ilan sa mga teaching materials na maaring gawing opensiba sa West Papua, probinsya sa eastern Indonesia. Dahil dito'y idineklara ng panig Indones ang pagsuspinde sa kooperasyong militar sa Australia.
Ani Payne, walang anumang batayan ang pagkabalisa ng Indonesia sa pagre-recruit ng Australia sa mga sundalong Indones.
Ipinahayag din niya na hindi nagbabago ang posisyon nito sa probinsyang West Papua. "Siyempre, kinikilala natin ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Indonesia, ito ay di-nagbabagong posisyon ng ating bansa," ani Payne.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |