Ayon sa Konsulada ng Tsina sa Kota Kinabalu, Malaysia, hanggang sa kasalukuyan, nakalabas na sa ospital ang lahat ng 20 nakaligtas na turistang Tsino sa lumubog na barko sa Sabah. Kabilang sa nasabing 20 nakaligtas, 13 ang nakabalik na sa bansa, at ang nalalabing iba pa ay nananatili pa rin sa Kota Kinabalu upang makipagtulungan sa mga kaukulang departamentong lokal sa pag-iimbestiga sa aksidenteng ito.
Noong Enero 28, lumubog ang isang barko na may lulang 28 turistang Tsino at 3 tripulante sa karagatang nakapaligid ng estadong Sabah, Malaysia. Dalawampung (20) turistang Tsino at 2 tripulante ang nailigtas, samantalang 4 ang kumpirmadong nasawi, at 4 turista at 1 pa tripulante ang nawawala. Bukod dito, ipinahayag nitong Sabado, Pebrero 11, 2017, ng Malaysia na patuloy ang search operation sa nasabing 5 nawawalang pasahero.
Salin: Li Feng