SINABI ni G. Benedicto V. Yujuico, chairman ng Philipine Chamber of Commerce and Industry na mahalaga ang papel sa ekonomiya ng micro, small at medium enterprises. Sa kanilang samahan matatagpuan ang 90% ng mga SME sa buong bansa.
Kasama ang pamahalaan at iba pang mga may kinalaman sa kalakal upang matiyak ang mga palatuntunan na magpapayabong sa mga maliliit na kalakal at madaling makalapit sa mga tanggapan at serbisyong kanilang kailangan.
Ang kawalan ng finance, technical at technological know-how ang sumasagka sa kaunlaran ng mga bahay kalakal.
Tiniyak din ni G. Yujuico na suportado nila ang mga batas sa paggawa at layunin nilang mabawasan ang kakulangan ng serbisyo para sa mga mangangalakal.
Sa pagdiriwang ng ika-50 taon ng ASEAN, makikita ang mga programa at pamamaraan upang makapasok sa supply chain ng malalaking kalakal na makatapat sa regional at global markets, dagdag pa ni G. Yujuico.