Ayon sa Korean Central News Agency, ipinahayag nitong Miyerkules, Pebrero 22, 2017, ng tagapagsalita ng Komisyon ng Alagad ng Batas ng Hilagang Korea na plano nilang ipadala ang isang delegasyon papuntang Malaysia upang magsagawa ng konkretong imbestigasyon sa insidente ng pagkakapatay sa isang taga-Hilagang Korea sa paliparan ng Kuala Lumpur.
Ipinahayag din niya na hinding hindi pahihintulutan ang anumang aksyong nagtatangkang sumira sa imahe ng Hilagang Korea. Lubusan aniyang iimbestigahan ang totoong sanhi ng nasabing insidente.
Salin: Li Feng