KINONDENA ng Malcanang ang ginawang pamumugot ng Abu Sayyaf sa Alemang bihag na kinilala sa pangalang Juergen Gustav Kantner.
Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kinokondena ng Malacanang ang karumal-dumal na krimen at nananatiling matikas si Pangulong Duterte sa kanyang desisyon sugpuin ang mga bandidong Abu Sayyaf.
Ipinarating ng Malacanang ang pakikiramay sa mga Aleman at sa pamilya ni Ginoong Kantner.
Naunang binanggit ni Peace Adviser Jesus Dureza ang pamumugot kay G. Kantner na binihag ng Abu Sayyaf sa nakalipas na tatlong buwan matapos madukot sakay ng kanyang yate sa may bahagi ng Sabah.
Pinugutan si G. Kantner noong Sabado matapos hindi makapagbigay ng P 30 milyong ransom. Hindi pa natatagpuan ang labi ng biktima.