Patuloy hanggang ngayon ang pagkagalit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbatikos ng Estados Unidos sa rekord ng karapatang pantao ng Pilipinas. Sa kanyang pagharap sa rali ng hukbo kamakailan, muli niyang binanggit ang malagim na rekord ng karapatang pantao ng Amerika.
Nitong Biyernes, Agosto 26, 2016, ipinahayag ni Pangulong Duterte na noong unang dako ng dekada 90, pinatay ng mga Amerikano ang halos 600 libong sibilyang Moro habang isinasagawa ang opensibang militar sa Mindanao. Inabisuhan din niya ang Amerika na huwag magsabi ng anu-ano tungkol sa anti-drug campaign ng Pilipinas.
Bukod dito, nanawagan din siya sa lahat ng sandatahang lakas ng bansa na buong sikap na sugpuin ang Abu Sayyaf Group, organisasyong teroristiko ng bansang ito.
Salin: Li Feng