Noong taong 2016, umabot sa 74.4 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP). Lumaki ito ng 6.6% kumpara sa taong 2015. Bukod dito, tumaas ng 2% ang Consumer Price Index (CPI), lumaki ng 8.5% ang tubo ng mga bahay-kalakal sa larangan ng industriya, bumaba ng 5% ang bolyum ng konsumo sa eneriya kada unit GDP. Tumaas din ang kalidad at episyensiya ng pag-unlad ng pambansang kabuhayan.
May trabaho para sa lahat. Noong taong 2016, umabot sa 13.14 milyon ang bilang ng karagdagang trabahador. Naging rekord sa kasaysayan ang bilang ng mga bagong gradywet na nagsimula ng sariling negosyo. Umabot sa 4.02% ang unemployment rate sa mga lunsod at nayon. Ito ay pinakamababa kumpara sa mga taong nakalipas.
Nanatili ang pag-unlad ng konstruksyon ng imprastruktura. Pinabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan. Lumaki ng 6.3% ang aktuwal na kita ng mga residenteng Tsino. Nabawasan ng 12.4 milyon ang bilang ng mga mahihirap sa kanayunan. Lumaki nang mabilis ang insdustriya ng turismo. Mahigit 120 milyong person-time ang naglakbay sa ibayong dagat.
Matagumpay na itinaguyod ng ating bansa ang Hangzhou G20 Summit para pasulungin ang mga mahalagang bunga sa pangangasiwa sa kabuhayang pandaigdig.