Beijing--Binuksan Linggo ng umaga, Marso 5, 2017, ang Ika-5 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina. Dumalo rito ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa.
Sa seremonya ng pagbubukas, ginawa ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang Government Work Report kung saan nilagom ang gawain ng pamahalaan noong isang taon at idineploy ang plano ng administrasyon sa taong 2017.
Sa loob ng darating na ilang araw, susuriin ng halos 3,000 kinatawan ng NPC ang nasabing ulat at boboto sa pagpipinid ng sesyon.
Salin: Li Feng