|
||||||||
|
||
Sakay ng Flight MH360 ng Malaysia Airlines, lumisan ng Malaysia kagabi, Marso 6, 2017, ang Embahador ng North Korea sa Malaysia na si Kang Chol. Matatandaang pinapalayas ng pamahalaang Malay si Kang dahil sa pagbatikos nito sa bansa, kaugnay ng pagkakapatay sa isang H.Koreano sa Kuala Lumpur Airport. Bago ang kanyang pag-aalis, ipinahayag ni Kang na ang nasabing "labis na kagawian" ng pamahalaang Malay ay posibleng makapinsala sa 40-taong relasyon ng dalawang bansa. Ito ang unang inilabas na posisyon ni Kang makaraan siyang bigyang-taning sa pag-alis ng Malaysia.
Noong Marso 4, si Kang ay idineklarang "persona non grata" ni Ministrong Panlabas Anifah Aman ng Malaysia. Hiniling din niya kay Kang na umalis sa kanyang bansa sa loob ng 48 oras.
Kaugnay nito, sinabi nitong Lunes ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia na ang layon ng pagpapa-alis sa North Korean Ambassador ay ipakita ang buong tatag na posisyon ng kanyang bansa sa pangangalaga sa karangalan at soberanya ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |