Marso 6, 2017--Idinaos ni Lee Jae-myung, Mayor ng Lunsod ng Seongnam, Gyeonggi Province ng Timog Korea ang news briefing para manawagang kanselahin ang plano ng pagde-deploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa Timog Korea.
Si Lee Jae-myung ay isang miyembro ng Minjoo Party, pinakamalaking partidong oposisyon ng Timog Korea, at lumahok din sa nasabing news briefing ang mga kinatawan ng sektor ng industriya at komersyo ng Seoul.
Tinukoy ni Lee na ang pagde-deploy ng THAAD ay walang benepisyo sa seguridad ng kanyang bansa, at sa halip, ito ay makakapinsala sa relasyon sa Tsina. Paiigtingin aniya palalakihin ng THAAD ang hamon ng digmaan sa Korean Peninsula, at ito'y hindi makakabuti sa katatagan ng rehiyon.
Pinuna rin ng mga kinatawan ng sektor ng industriya at komersyo ng Seoul na ang pagde-deploy ng THAAD ay magdudulot ng negatibong epekto sa pagpapalitang pangkabuhayan ng Timog Korea at Tsina.
salin:Lele