Ayon sa ulat ngayong araw, Enero 31, 2017, ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Timog Korea, nag-usap sina Han Min-koo, Ministro ng Tanggulang Bansa Timog Korea at James Mattis, Kalihim ng Depensa ng Amerika sa pamamagitan ng telepono. Narating nila ang komong palagay hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula at pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system ng Amerika sa T.Korea ayon sa itinakdang plano.
Ayon pa rin sa ulat, tinalakay ng mga Ministrong Pandepensa ang kalagayan ng Korean Peninsula, at sumang-ayon silang isasagawa ang lubos na paghahandang militar para harapin ang anumang maaaring mangyari.
Tinututulan ng Tsina ang pagdedeploy ng THAAD system. Pinaninindigan ng Tsina na ito ay hindi makakabuti sa pagsasakatuparan ng target na nuclear free Korean Peninsula, o pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at ito ay lumalabag sa diwa ng paglutas ng isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
salin:Lele