MANININDIGAN ang mga mambabatas na kasapi sa Liberal Party at boboto laban sa death penalty kahit pa mayroong pressures mula sa liderato. Magaganap ang botohan sa ikatlong pagbasa ng panukalang batas.
Hindi umano magbabago ang kanilang paninindigan sapagkat boboto sila ayon sa kanilang konsensya at paniniwala.
Ayon sa kanilang pahayag, sinabi ng mga Liberal na hindi malulutas ng parusang kamatayan ang pagkakaroon ng mga krimen sa bansa. Kailangan umanong magmasid ang mga mamamayan sa botohang magaganap sapagkat mababatid kung sino sa mga mambabatas ang pabor at kontra sa death penalty.