Nilagdaan Linggo, Marso 12, 2017 sa Bangkok ng delegasyon ng lalawigang Shandong ng Tsina at Thai-Chinese Economy and Trade Interchange Center (TCETIC) ang Memorandum of Understanding (MOU) para pasulungin ang kooperasyon at pagpapalitan ng dalawang panig sa kabuhayan at kultura.
Sinabi ni Paisan Chayavorakul, Puno ng TCETIC, na umaasa siyang maisasakatuparan ang pagpapalitan at pagbabahaginan ng impormasyon sa pagitan ng Thailand at lalawigang Shandong para pasulungin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan, kalakalan at kultura.
Ipinahayag naman ni Lv Wei, Pangalawang Puno ng Kawanihan ng Komersyo ng Shandong, na may malakas na pagkokomplemento sa isa't isa ang dalawang panig sa mga larangan na gaya ng agrikultura, pangingisda at kalakalan ng prutas.
Ayon sa datos ng Kawanihan ng Komersyo ng Shandong, noong taong 2016, ang kabuuang bolyum ng kalakalan ng dalawang panig ay umabot sa 6.7 bilyong Dolyares.