Sa regular na Press Conference na idinaos kahapon, March 13, 2017, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hanggang sa kasalukuyan, mga lider ng mahigit 20 bansa ang tiniyak na lalahok sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF) na idaraos sa Beijing sa Mayo.
Ipinahayag ni Hua na ang BRF ay mahalagang plataporma ng pagpapalakas ng kooperasyon at pag-uugnayan ng mga ekstretehiya ng pag-unlad ng iba't ibang bansa.
Aniya, bubuuin ang BRF ng dalawang bahagi--round table at pulong sa mataas na antas. Ayon sa plano, inanyayahan ng Tsina ang 25 lider ng mga bansa para lumahok sa round table, at mga 1200 kinatawan para lumahok sa pulong.
salin:Lele