ISANG tanyag na lider ng Abu Sayyaf na kinilalang si Buchoy Hassan sa isang sagupaang naganap sa isang barangay sa Sitangkai, Tawi-Tawi.
Ayon sa ulat ng AFP Western Mindanao Command, mga tauhan ng Joint Task Force Tawi-Tawi at mga pulis sa tahanan ni Hassan. Nabawi ng mga kawal ang isang M16, limang speedboat at ilang mga motor.
May 48 taong gulang na si Hassan na pinaghahanap din sa Malaysia na responsible sa pagdukot sa isang Taiwanes Chang An Wei na kilala sa pangalang Evelyn Chan sa Pom Pom Island Resort sa Sabah noong Nobyembre 2013.
Gumamit umano ni Hassan ang kinita sa ransom para sa kanyang illegal drugs operations sa Sibutu, Sipangkot at Bongao sa Tawi-Tawi.
Ayon kay Major General Carlito G. Galvez, Jr. commander ng AFP Western Mindanao Command, tuloy pa ang operasyon laban sa mga masasamang loob sa kanyang nasasakupan.