Ayon sa pinakahuling research report na inilabas ng World Bank (WB), sa kasalukuyan, nananatili pa ring halos 7.1 milyong mamamayang Thai ang namumuhay sa ibaba ng poverty line. Karamihan sa kanila ay naninirahan sa dakong hilagang silangan, hilaga, at timog ng bansa. Di-umaabot sa 6.2 dolyares (halos 218 Thai Baht) ang daily income ng bawat tao sa sektor na ito ng populasyon. Ayon naman sa inilabas na dokumento ng pamahalaang Thai noong unang dako ng taong ito, 300 Thai Baht ang pinakamababang arawang suweldo sa buong bansa.
Kaya, kinakailangan ang anim (6) na taon upang maisakatuparan ang pagbabawas ng karalitaan sa Thailand. Kinakailangan naman ang dalawampung (20) taon upang makapasok ang bansang ito sa hanay ng mga high-income countries.
Salin: Li Feng