|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Miyerkules, Marso 15, 2017, ni Pangalawang Punong Ministro Ahmad Zahid Hamidi ng Malaysia, na sa pamamagitan ng DNA test, kumpirmadong si Kim Jong Nam, kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un ang napaslang sa Kuala Lumpur International airport isang buwan na ang nakakaraan.
Ayon sa Malaysian Deputy Prime Minister, natukoy nila ang identity ni Nam sa pamamagitan ng DNA sample na kinuha mula sa anak niya. Sinunod din aniya ng proseso ng DNA test ang kaukulang prosidyur na hudisyal. Ngunit, hindi isiniwalat ni Zahid ang oras, lugar, at porma ng pagkuha ng DNA sample.
Namatay si Nam makaraang takpan ang kanyang mukha ng panyong may toxic VX nerve agent habang siya ay naghihintay ng kanyang flight.
Ipinahayag din ni Zahid na nagsimula na nitong Lunes ang talastasan sa pagitan ng Malaysia at North Korea. Umaasa aniya ang panig Malay na ligtas na makalalabas ang siyam (9) na stranded mamamayan nito sa Hilagang Korea sa lalong madaling panahon.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |