Nakipag-usap Marso 21, 2017 sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa dumadalaw na Punong Ministro ng Israel na si Benjamin Netanyahu. Sinang-ayunan ng dalawang lider ang pagtatatag ng komprehensibong partnership ng dalawang bansa sa pamamagitan ng paraang pang-inobasyon.
Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 25 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Israel, nananatiling malusog ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Aniya, ang pagtatatag ng bagong uri ng partnership ng Tsina at Israel ay hindi lamang makakatulong sa ibayong pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, kundi magdudulot din ng ginhawa sa kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Netanyahu na ang isasagawang inobasyon sa relasyong Sino-Israeli ay may mahalagang katuturan sa dalawang bansa. Aniya, ang Israel ay magiging namumukod na katuwang ng Tsina sa larangang pensiyensiya at panteknolohiya.
Samantala, nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hingggil sa pagtutulungan ng dalawang panig sa larangan ng agrikultura, kalusugan, at malinis na enerhiya, batay sa balangkas ng "Belt and Road Initiative," at sa isyu ng Israel at Palestina.