Natapos kahapon, Marso 27, 2017, ang opisyal na pagdalaw ni Jose Alvarez, Governor ng Palawan sa Lunsod ng Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina. Nang kapanayamin siya ng mamamahayag ng China News Agency, ibinahagi niya ang plano ng kooperasyon ng Palawan at Hainan.
Pinasalamatan niya si Liu Cigui, Governor ng Lalawigang Hainan sa paanyayang lumahok sa Boao Forum, at umaasa aniya siyang mas magiging mahigpit ang kooperasyon ng Palawan at Hainan. Aniya, may dalawang limang-taong plano hinggil dito.
Aniya, sa unang limang-taong plano, maaaring magpadala ang Palawan ng mga kabataan sa Hainan para mag-aral ng pamamahala ng turismo, makabagong agrikultura, pangangasiwa ng transportasyon at iba pa, at puwede rin magpadala ang Hainan ng mga kabataan sa Palawan para mag-aral ng Wikang Ingles, at umaasang magtatrabaho ang mga kabataan ng dalawang bansa sa isang proyekto at magpapahigpit ng pagpapalitan. At sa ikalawang yugto ng plano na tatagal din ng limang taon, isusulong ang kooperasyon ng dalawang panig sa turismo, agrikultura, siyensiya't teknolohiya at tranportasyon.
salin:Lele