Haikou, punong lunsod ng probinsyang Hainan ng Tsina — Sa magkakasamang pagtataguyod ng China Radio International (CRI), Hainan Broadcasting Group, at Administration of Press, Publication, Film and Television of Guangxi Zhuang Autonomous Region, idinaos Biyernes, Oktubre 14, 2016, ang 2016 China-ASEAN Friendship Concert. Layon nitong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura ng Tsina at iba't-ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at palakasin ang harmoniya at pagkakaibigan sa rehiyong ito.
Nagtanghal sa konsiyertong may temang "Pagmamahal at Pagkakaibigan," ang mahigit 20 kilalang mang-aawit mula sa Tsina at sampung (10) bansang ASEAN. Isang Pinay na si Yeng Constantino, kilalang singer at media personality, ang kalahok sa konsiyertong ito. Nanood sa pagtatanghal ang mga panauhin, kinatawan ng media, at mamamayang lokal mula sa Tsina at iba't-ibang bansang ASEAN.
Nag-rerehearsal si Yeng Constantino sa 2016 China-ASEAN Friendship Concert
Binigyan ng positibong reaksyon at pagkatig ng mga departamentong pang-impormasyon at pangkultura at mga malalaking pangunahing media ng mga bansang ASEAN ang nasabing konsiyerto. Kalahok sa pagrereport sa konsiyertong ito ay kinabibilangan ng Radio Television Brunei (RTB), National Television of Cambodia (TVK), Television Nationale Lao, Radio Television Malaysia (RTM), Myanmar Radio and Television (MRTV), People's Television Network of the Philippines, Radio Thailand,National Broadcasting Services of Thailand, Vietnam Television, at iba pa.
Salin: Li Feng