Sa paanyaya ni Pangulong Sauli Niinistö ng Finland, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Finland mula ika-4 hanggang ika-6 ng Abril, 2017. Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag ni Chen Li, Embahador ng Tsina sa Finland, na ibayo pang pasusulungin ng naturang biyahe ni Pangulong Xi ang kooperasyon ng dalawang bansa.
Noong katapusan ng nagdaang taon, hinirang si Chen bilang Embahador ng Tsina sa Finland. Siya ay isang diplomatang bata at may mayamang karanasang diplomatiko. Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Pangulong Xi sa Finland, sinabi niya na ipinakikita nito ang lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa tradisyonal na relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Finland. Sa panahon ng biyahe, malalimang makikipagpalitan si Pangulong Xi ng kuru-kuro sa mga lider ng Finland tungkol sa bilateral na relasyon, at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng