Kuala Lumpur--Ipinalabas kahapon, Abril 4, 2017, ng Associated Chinese Chambers of Commerce and Industry of Malaysia (ACCCIM) ang ulat hinggil sa kabuhayan ng Malaysia sa unang kuwarter ng taong 2017. Ayon sa ulat, dahil sa patuloy na pagpapalaki ng pangangailangang panloob at pagluluwas, sa kabuuang mainam ang prospek ng kabuhayan ng Malaysia sa taong ito.
Sa news briefing nang araw rin iyon, ipinahayag ni Lee Heng Guie, Executive Director ng Socio-Economic Research Centre ng ACCCIM, na dahil sa pambansang halalan, pasusulungin ng pamahalaan ang konstruksyon ng imprastruktura para mapalaki ng pangangailangang panloob. Tinatayang mas mabuti ang paglaki sa unang hati ng taon kaysa huling hati ng taong ito.
salin:Lele