|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, Abril 4, 2017, ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na palalakasin ng Malaysia at India ang kooperasyon sa pamumuhunan.
Magugunitang ngayong taon ay ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Malaysia at India. Mula noong Marso 30 hanggang Abril 4, 2017, isinagawa ni Najib ang anim (6) na araw na biyahe sa India. Sinabi niya na ang biyaheng ito ay makakapagpasulong sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na lebel.
Sa kasalukuyan, ang India ay ika-10 pinakamalaking trade partner ng Malaysia. Samantalang ito rin ay ika-20 pinakamalaking bansang namumuhunan sa Malaysia at umabot sa mahigit 2.3 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan nito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |