|
||||||||
|
||
Nilagdaan nitong Huwebes, Abril 6, 2017, sa Dusit Maha Prasad ni Thailand King Maha Vajiralongkorn ang bagong konstitusyon ng bansa. Ito ang ika-20 konstitusyon sapul nang isagawa ng Thailand ang constitutional monarchy.
Isinagawa ang seremonya ng paglalagda sa konstitusyon sa ilalim ng live TV coverage. Makaraang malagdaan ang konstitusyon, ibinigay ito ng Hari kay Punong Ministro Prayut Chan-o-cha.
Sa pamamagitan ng reperendum, napagtibay ang panukala ng bagong konstitusyon noong Agosto 7, 2016. Isinumite ito ng gabinete ni Prayut sa Hari noong nagdaang Nobyembre.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |