Idinaos nitong Biyernes, ika-7 ng Abril 2017, sa Bangkok, Thailand, ang seremonya ng pagpapalabas ng edisyon sa wikang Thai ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China."
Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Jiang Jianguo, Direktor ng Tanggapang Pang-imporasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang pag-asang sa pamamagitan ng aklat na ito, palalalimin ng mga mamamayang Thai ang pag-unawa sa landas ng pag-unlad ng Tsina. Umaasa rin aniya ang Tsina, kasama ng Thailand, na palakasin ang pagpapalitan ng mga karanasan sa pangangasiwa sa bansa.
Sinabi naman ni Wissanu Krea-ngam, Pangalawang Punong Ministro ng Thailand, na inirekomenda minsan ni Punong Ministro Prayut Chan-o-cha ang aklat na ito sa pulong ng gabineteng Thai. Dagdag niya, marami ang karapat-dapat na tularan ng Thailand, mula sa mga pambansang estratehiya at reporma ng Tsina.
Salin: Liu Kai