Abril 8, 2017 sa Vientiane—Pitong dalaga ang ginawaran ng titulong "Miss Lao" sa katatapos na pinal na kompetisyon ng Miss Nang-Songkran (Miss Pimai Lao, Miss Lao New Year). Sila ang magiging kinatawan ng kababaihang Lao para -ipromote ang magagandang tradisyonal na kultura ng bansang ito.
Si Vaniphone Phoumisay ang nasa unang puwesto sa nasabing kompetisyon. Siya rin ay ginawaran ng mga parangal na gaya ng Best Photogenic Award, Best Skin Award, Pretty Face Award at Miss Fashion.
Sina Nyingnyam Mokham at Suda Vanthongthip ang nasa ikalawa at ikatilong puwesto.
Ang kompetisyon ng Miss Pimai Lao ay idinaraos sa Lao new year season bawat taon.