Kinondena nitong Biyernes, Mayo 5, 2017, ng Ministring Panlabas ng Hilagang Korea ang madalasang pagsubok-lunsad kamakailan ng Amerika ng intercontinental ballistic missile (ICBM) na nakakapagpalala sa maigting na situwasyon ng Korean Peninsula.
Ayon sa Hilagang Korea, bagama't inihayag ng Amerika na ang plano ng pagsubok-lunsad ng ICBM ay itinakda noong isang taon at wala itong anumang kaugnayan sa isyu ng Korean Peninsula, ipinahayag pa ng opinyong publiko ng daigdig ang pagkabahala tungkol dito.
Salin: Li Feng