Ayon sa Xinhua News Agency, nakipag-usap sa telepono kagabi, Enero 7, 2016, si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tisna kay John Forbes Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa mga isyung kinabibilangan ng relasyong Sino-Amerikano, situwasyon ng Korean Peninsula, at isyung nuklear ng Iran.
Inilahad ni Kerry ang paninindigan ng panig Amerikano hinggil sa muling pagsasagawa ng Hilagang Korea ng nuclear test. Umaasa aniya siyang mananatili ang pakikipagsanggunian at pakikipagkoordinahan sa panig Tsino sa nasabing ito.
Binigyang-diin naman ni Wang na buong tatag na pangangalagaan ng panig Tsino ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula. Nakahanda aniya ang panig Tsino na panatilihin ang pakikipagsanggunian sa iba't-ibang may-kinalamang panig na kinabibilangan ng panig Amerikano, hinggil sa nasabing isyu.
Salin: Li Feng