Kinatagpo Martes, Mayo 16, 2017, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Bounnhang Vorachith, Pakalahatang Kalihim ng Lao People's Revolutionary Party (PRP) at Pangulo ng Laos na dumalo sa Belt and Road Forum for International Cooperation (BFR) na idinaos sa Beijing.
Binigyan-diin ni Xi na nakahanda siyang palakasin ang pagpapalitan ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at PRP. Dapat pasulungin ang komprehensibong kooperasyon, at palalimin ang pagtutulungan sa mga mahalagang proyektong batay sa Plano ng Kooperasyon sa Konstruksyon ng "Belt and Road" Initiative na nilagdaan ng dalawang bansa, ani xi. Aniya pa, palalakasin din ng dalawang bansa ang koordinasyon para mapangalagaan ang relasyon ng Tsina at ASEAN at katatagan ng rehiyon.
Pinapurihan naman ni Bounnhang Vorachith ang natamong bunga ng "Belt and Road" Initiative. Nananalig aniya siyang ito ay malakas na magpapsulong ng konektibidad ng Asya at paglaki ng kabuhayan, at tiyak na magdudulot ng mas maraming pagkakataon sa Laos.
salin:Lele