Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-14 na Senior Officials' Meeting ng DOC, sinimulan sa Guiyang

(GMT+08:00) 2017-05-18 15:46:04       CRI

Group photo ng mga delegadong kalahok sa pulong

Binuksan ngayong araw Mayo 18,2017 ang Ika-14 na Senior Officials' Meeting on the Implementation of the Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) sa lunsod ng Guiyang, lalawigang Guizhou ng Tsina.

Magkasamang mangungulo sina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore, sa pulong na ginaganap sa New World Hotel.

 Si Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina

Sa kanyang pambungad na pananalita malugod na winelkam ni Liu ang mga opisyal ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa lunsod ng Guiyang, kapital ng lalawigang Guizhou na matatagpuan sa timogkanlurang bahagi ng Tsina. Kanyang ipinahayag na ang Guiyang ay akmang lugar sa pagpupulong dahil dito rin ginanap ang Education Cooperation Week ng Tsina at ASEAN.

Ginaganap ang pulong sa New World Hotel, Guiyang

Si Chee Wee Kiong, Pirmihang Kalihim ng Ministring Panlabas ng Singapore

Sa kanyang pahayag sinabi naman ni Kalihim Chee na patuloy na nakakamit ng pulong ang positibong bunga mula noong ganapin ang Ika 13 Pulong sa sa DOC sa Manchuria noong isang taon. Mahalaga ang gawain sa araw na ito dagdag niya una sa lahat dahil kailangan ang pagtutulak ng finalization ng burador ng DOC framework. Gawaing itinakda ng mga Kalihim ng ASEAN sa kanilang Ministerial Meeting sa darating na Agosto ngayong taon.

Umaasa siyang magiging tapat ang mga talakayan upang makamit ang positibong pag-usad sa paglikha ng balangkas at nagpasalamat sa sipag ng mga opisyal na bahagi ng mga komite. At umaasang magpapatuloy ang kanilang progeso na natamo sa Bali sa Indonesia, Siem Reap sa Cambodia at ngayon sa Guiyang ng Tsina.

Ang konsultasyon at komunikasyon ay nagdulot ng positibong pag-usad sa usapin at nanawagan siya sa mga delegado na isakatuparan ang positibong impact sa pulong hinggil sa DOC. Umaasa siyang sa pamamagitan ng kooperasyon, magiging mabunga ang nasabing pulong.

Si Assistant Secretary Hellen de la Vega, Acting Senior Official at Director General for ASEAN-Philippines ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas

Kinatawan ng Pilipinas sa pulong si Assistant Secretary Hellen de la Vega, Acting Senior Official at Director General for ASEAN - Philippines ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Ulat : Mac Ramos at Liu Kai

Web Editor: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>