Idinaos kamakailan sa Shanghai ang Meeting of the Intergovernmental Coordination Group of the Pacific Tsunami Warning and Mitigation System (ICG/PTWS) Regional Working Group on Tsunami Warning and Mitigation System in the South China Sea Region. Iminungkahi dito na sa darating na ika-27 pulong ng mga kasaping bansa ng nasabing working group, aaprobahan at sasang-ayunan ang pagsisimula ng subok-operasyon ng South China Sea Tsunami Advisory Center (SCSTAC) sa katapusan ng kasalukuyang taon.
Napag-alamang ang ICG/PTWS ay isang subordinate organization na nabibilang sa Intergovernmental Oceanographic Commission (IOC) ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO). Sa nasabing pulong, sinang-ayunan ng iba't-ibang kasaping bansang nakapaligid ng South China Sea, na palakasin ang data sharing. Bukod dito, ipinasiya rin sa pulong na pamunuan ng Tsina ang pagtatatag ng data sharing platform tungkol sa regional seismic water level sa South China Sea upang magkaloob ng data services sa naturang mga kasaping bansa.
Salin: Li Feng