|
||||||||
|
||
Manila — Idinaos nitong Sabado, Mayo 19, 2017, ang seremonya ng pagpipinid ng magkasanib na ensayong militar ng Pilipinas at Amerika na may codename na "Balikatan" para sa taong 2017. Ito ay palatandaang magtapos ang 12 araw na taunang pagsasanay na militar ng dalawang bansa.
Ayon sa kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte, isinaayos ang nilalaman ng nasabing pagsasanay na naging pokus nito ang makataong tulong, gawaing panaklolo, at paglaban sa terorismo.
Sa panahon ng ensayo, isinasagawa ng ilang mamamayang Pilipino ang kilos protesta sa Manila. Nanawagan sila kay Pangulong Duterte na lubusang kanselahin ang nasabing magkasanib na ensayong militar.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |