MAGKAKAROON ng ibayong pagtutulungan ang mga Americano at Filipinong kawal sa larangan ng joint military exercise. Ito ang sinabi ni Dr. Clarita Carlos sa isang panayam hinggil sa pagsisimula ng Balikatan 2015 ngayong araw na ito.
Bagaman, magtutuon ng pansin sa humanitarian at disaster response ang mga Americano at Filipino. Hindi umano puedeng payagan ang mga Americanong magdala ng kanilang gamot sapagkat napunang may mga mapapasong gamot na dinadala ang mga Americano kaya't sa Pilipinas na lamang sila mamimili.
Hindi na umano interesado ang mga Americano sa pagtatayo ng mga base miitar sa Pilipinas sapagkat nagbabawas na lamang sila ng gastos sa kanilang mga base-militar sa rehiyon.
Nababahala umano ang Pilipinas hindi sa military build-up sa karagatang na sa kanlurang bahagi ng bansa sapagkat higit na masisira ang mga batuhan na pinaninirahan ng mga isda.
Ang mga batuhang ito ang siyang tinitirhan ng mga isda na konektado sa seguridad ng pagkain ng mga Filipino, dagdag pa ni Dr. Clarita Carlos, dating pangulo ng National Defense College of the Philippines.