|
||||||||
|
||
Ayon sa panig militar ng Pilipinas, ginamit na nila ang helicopter para mabigyang-dagok ang natitirang halos 40 teroristang Maute Group sa Marawi City. Sapul nang magsimula ang palitan ng putok nitong Martes, Mayo 23, 2017, 31 armadong tauhan na ang napatay. Bukod dito, 31 sundalo at pulis din ay namatay, at 40 iba pa ang nasugatan.
Ayon pa sa Armed Forces of the Philippines (AFP), pangunahing tampok ng operasyon ang tatlong lugar kung saan nananatili ang mga terorista. Hanggang sa ngayo'y nasa kamay pa rin ng mga bandido ang ilang gusaling may "estratehikong katuturan," dagdag ng AFP.
Sinabi nitong Miyerkules ng gabi, Mayo 24, ng AFP na nailigtas ng panig militar ang 120 sibilyang dinukot ng mga terorista. Nanawagan din ito sa mga mamamayan at pamahalaang lokal na magkakasamang makibaka laban sa mga terorista.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |