Kaugnay ng pagsalakay ng teroristikong Maute Group sa lunsod ng Marawi sa katimugan ng Pilipinas, ipinahayag kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Mayo 2017, sa Beijing ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nauunawaan at buong tatag na kinakatigan ng panig Tsino ang paglaban ng pamahalaang Pilipino sa terorismo.
Dagdag ni Lu, ang terorismo ay kalaban sa lipunan ng sangkatauhan. Nananalig aniya ang panig Tsino, na sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte, mapapangalagaan ng pamahalaang Pilipino ang katiwasayan at katatagan sa buong Mindanao.
Salin: Liu Kai