Maalwang dumaong sa Guanlei Port ng Tsina nitong Biyernes, Mayo 26, 2017, ang Command Corvette na 53901 sa magkasanib na pamamatrolya at pagpapatupad ng batas ng Tsina, Laos, Myanmar, at Thailand sa Mekong River. Ito ay palatandaang kasiya-siyang natapos ang naturang ika-58 magkakasanib na aksyon ng apat na bansa.
Ayon sa salaysay, sinimulan ang nasabing magkakasanib na gawain mula Mayo 23. 6 na law enforcement vessel, at 144 na tauhan ang ipinadala ng 4 na bansa sa pakikilahok sa magkakasanib na aktibidad. Layon nitong pataasin ang kakayahan ng paghawak sa mga biglaang insidente sa Mekong River, at mabisang mapangalagaan ang seguridad at katatagan sa kahabaan ng ilog.
Salin: Li Feng