Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-31 ng Marso 2017, sa Kunming, Tsina, ang symposium bilang paggunita sa unang anibersaryo ng pagsisimula ng Lancang-Mekong Cooperation.
Ipinahayag ng mga kalahok na eksperto, na sa pamamagitan ng magkakasamang pagsisikap ng Tsina, Kambodya, Laos, Myanmar, Thailand, at Biyetnam, natamo ng Lancang-Mekong Cooperation ang maraming mahalagang bunga. Ipinalalagay din nilang sa hinaharap, dapat pasulungin ang kooperasyong ito, sa loob ng balangkas ng "Belt and Road" Initiative, para ito ay maging mas pragmatiko at epektibo.
Salin: Liu Kai