Sinabi kahapon, Huwebes, June 1, 2017, ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, na dapat isabalikat ng Unyong Europeo (EU) ang mga obligasyon sa ilalim ng Article 15 ng Protokol hinggil sa Pagsapi ng Tsina sa World Trade Organization (WTO).
Winika ito ni Merkel sa preskong idinaos kahapon sa Berlin, pagkatapos ng kanyang pakikipag-usap kay Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Dagdag niya, para isabalikat ang nabanggit na mga obligasyon, ipinangako ng EU, na hanapin ang solusyon sa mga may kinalamang isyu, na angkop sa mga regulasyon ng WTO, at walang pagkiling sa Tsina.
Ipinahayag naman sa preskon ng Premyer Tsino ang paghanga sa naturang pahayag ng kanyang counterpart na Aleman. Sinabi rin ni Li, na sa harap ng kasalukuyang mga elemento ng kawalang-katatagan sa daigdig, dapat igiit ng iba't ibang panig ang multilateralismo, at sundin ang mga narating na komong palagay sa ilalim ng mga tuntunin ng WTO.
Salin: Liu Kai