Sa Shanghai Tongji University, Tsina-Ipinahayag dito kahapon, Marso 23, 2016 ni Pangulong Joachim Gauck ng Alemanya na optimistiko siya sa pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangan, sa kasalukuyan at hinaharap.
Sinabi ni Joachim Gauck na ang matatag na relasyong Sino-Aleman ay naitatag batay sa pangmatagalang pagtitiwalaan. Aniya, sa kasalukuyan, kahit nagiging mababa ang bahagdan ng paglaki ng kabuhayang pandaigdig, nakatakda pa ring palawakin ng mga bahay-kalakal ng Alemanya ang pakikipagtulungan sa Tsina. Samantala, pinahahalagahan aniya ng liderato ng Tsina at Alemanya ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng mga kabataan ng dalawang bansa, para ipagpatuloy at mapalawak pa ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa sa hinaharap. Sinabi niyang suportado ng Alemanya ang paninindigan ng Tsina sa pagsasakatuparan ng mapayapang pagyabong at mapayapang pakikipamuhayan sa ibat-ibang bansa ng daigdig. Positibo rin siya aniya sa mas mahalagang papel na gagampanan ng Tsina sa mga suliraning pandaigdig.