Ayon sa pinakahuling "World Economic Outlook" na isinapubliko Hunyo 4, 2017 ng World Bank, tinatayang aabot sa 2.7% ang paglaki ng kabuhayang pandaigdig sa kasalukuyang taon, dahil sa pinabuting kalagayan ng industriya ng pagyari at kalakalan. Anito pa, noong 2016, ang nasabing bilang ay 2.4% lamang.
Ayon pa sa World Bank, tinatayang aabot sa 4.1% ang paglaki ng kabuhayan ng mga umuusbong na pamilihan at umuunlad na bansa sa taong 2017. Kabilang dito, aabot sa 6.5% ang paglaki ng kabuhayan ng Tsina.