Dumating Miyerkules, June 7, 2017 sa Astana ng Kazakhstan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para isagawa ang dalaw pang-estado sa bansang ito.
Ipinahayag ni Xi na umaasa siyang mapapasulong ang relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Sa kanyang pananatili sa Kazakhstan, dadalo rin si Xi sa ika-17 pulong ng Council of Heads of State of the Shanghai Cooperation Organization (SCO), at Seremonya ng Pagbubukas ng Astana Expo 2017.
Binigyang-diin ni Xi na umaasa siyang malalimang tatalakayin ng mga kasaping bansa ng SCO ang mga isyung panrehiyon at pandaigdig, landas ng pag-unlad ng SCO at mga kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Salin: Ernest